-- Advertisements --
Isinalang na sa pagdinig ng Senate committee on foreign relation at national defense, security, peace, unification and reconciliation ang isyu ng pagkalas ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Pinangunahan ni Sen. Koko Pimentel ang hearing na dinaluhan naman nina. Sens. Franklin Drilon, Imee Marcos at iba pang miyembro ng kapulungan.
Habang nagsilbing resource person ang main author ng VFA bill noon na si dating Sen. Rodolfo Biazon.
Ilang legal expert din ang humarap upang magbigay ng kanilang mga pananaw sa usapin.
Ang hakbang ng Senado ay sa kabila na pormal nang ipinaabot sa pamahalaan ng Amerika ni Pangulong Rodrigo Duterte na pirmado ng DFA secretary ang pagbitaw ng Pilipinas sa VFA.