-- Advertisements --

BUTUAN CITY – May security plan na ang Surigao del Norte Police Provincial Office para sa posibleng pagbisita ni Senador Ronald ‘Bato’ de la Rosa ngyong linggo sa Sitio kapihan, Brgy. Sering, sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte upang personal na pangungunahan ang ocular inspection sa naturang lugar kungsaan nakabase ang kontrobersyal na kultong Socorro Bayanihan Services Inc.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Norte Police Provincial Director Col. Laudemer Laude na may nai-deploy na silang 49 mga pulis sa naturang lugar matapos ang unang pagdinig ng Senado kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan ng naturang kulto.

Wala umano silang nakitang problema sa kanilang pesonnel deployment dahil hindi sila hinaras ng mga natitirang miyembro ng Kapihan.

Dahil sa presensya ng mga pulis, nabisita na ng mga taga-Socorro ang kanilang ka-anak na nasa loob ng compound habang ang mga nasa loob ay bumisita na rin sa kanilang mga ka-anak na nasa labas.