-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senadora Pia Cayetano ang kahalagahan ng pagtuturo ng “age-appropriate” sex education sa gitna ng mga batikos na natatanggap ng Senate Bill 1979, o mas kilala bilang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.

Ayon kay Cayetano, hindi siya tutol sa isinusulong na panukala partikular ang pagtugon upang labanan ang krisis sa teenage pregnancy. 

Paliwanag ng senadora, ang age-appropriate sexual education ay pag-alam ng mga bata patungkol sa kanilang body parts. 

Sinabi ni Cayetano na nakausap na niya si Senadora Risa Hontiveros, ang may-akda ng panukalang batas, kung paano siya makaaambag sa pagpapaigting sa bill. 

Una nang tinuligsa ni Hontiveros ang mga ibinabatong batikos sa panukalang batas. 

Ibinasura na ni Hontiveros ang ilang mga batikos na ibinato sa panukalang batas bilang “false information”.

Nilinaw ng senadora na walang mga probisyon tungkol sa pagtuturo o paghikayat ng masturbation sa mga batang may edad na zero hanggang apat na taong gulang, o anumang pagtuturo na diumano ay nagtuturo ng “bodily pleasure sa mga batang may edad na anim hanggang siyam na taong gulang, o ang mga bata ay tuturuan ng kanilang “sexual rights.”