-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kanyang pangakong isulong ang isang komprehensibo at inclusive na anti-discrimination measures na saklaw ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill.

“While the SOGIE Equality bill is important, it’s imperative that we extend our efforts to combat bias based on various factors, fostering the creation of a truly inclusive society,” sabi ni Villanueva.

Ginawa ni Villanueva ang pahayag sa gitna na muling panawagan para sa pagpasa ng SOGIE Equality bill.
Magugunitang sinabon ng mga senador sa budget deliberation sa Senado noong Nobyembre 21, ang Commission on Human Rights (CHR) matapos na isa ang isa mga opisyal ang nagpetisyon na humimok para sa agarang pagpasa ng SOGIE Equality bill.

Ito’y kasunod nang pagprisenta ni Villanueva ng isang video clip ni Atty. Krissi Shaffina Twyla Rubin, officer-in-charge ng CHR’s Center for Gender Equality & Women’s Human Rights, na nagsasalita sa Pride Month celebration sa Quezon City noong Hunyo.

Sa naturang video, sinabi ni Rubin na, “Mayroon kaming isang petisyon, isang love letter sa ating senador. Hulaan niyo kung sinong senador? Mayroon tayong love letter kay Senator Joel Villanueva. At ang ating panawagan po, dear Senator Villanueva, dear senators natin, lahat po kayo, sana pakinggan niyo ang boses ng ating LGBTQ community at ang ating sigaw ano pong gusto nating ipasa? SOGIE Equality bill.”

Dahil sa pagkadismaya, inihayag naman ni Villanueva na “Hindi nyo ba ako pupwedeng madinig muna yung aking adhikain at ang mga panukalang batas na aking inihain dito sa Senado bago po kayo magdesisyon na pipetitionin niyo po ako, bago po kayo magdesisyon, natatayong sa entablado, yurakan ang aking pagkatao?”

Gayunpaman, kinatigan ni Senador Jinggoy Estrada at Alan Peter Cayetano si Villanueva sa kanyang hindi pagsang-ayon sa pahayag ni pahayag ni Rubin.

Sabi pa ni Cayetano, ang pagsalungat sa SOGIE bill ay hindi katumbas na pagiging kontra sa LGBTQIA+ community.
Sa isang statement kamakailan, binigyang diin ni Villanueva ang kahalagahan ng pagprotekta sa indibidwal mula diskriminasyon batay sa edad, disability, ethnicity, at iba pa.

Habang patuloy ang pagtalakay sa anti-discrimination measure, sinabi ni Villanueva na nananatili siyang matatag sa kanyang adbokasiya para sa isang mas komprehensibo at inclusive na legal framewoprk na magsusulong ng pagkakapantay-pantay, pagkakaunawaan at paggalang para sa lahat.