-- Advertisements --

Binigyang diin ni Senadora Grace Poe ang kredibilidad ng print media sa paglaban sa paglaganap ng fake news sa bansa.

Ayon kay Poe, mahalaga ang papel ng print media sa mga panahong nasusubok ang katotohanan.

Aniya , ang print media ay isang ‘bastion of accountability at responsibility’ ngayong digital age.

Pinahahalagahan rin ng traditional print journalism ang importansya ng fact-checking at pagsasabuhay ng ethical practices sa halip na pagbibigay focus sa mabilis na pagkalat nito online.

Mas matatag rin aniya ang mga print at broadcast outlets mula sa mga paratang na misinformation kung ikukumpara sa mga digital platforms at internet.

Kinilala naman ni Poe ang malaking impluwensiya ng ilan sa mga malalaking social media network sa paghubog ng public opinion , behavior ng mga konsyumer at maging sa elections results.