-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Senador Chirstopher “Bong” Go ang labis na pagpapakita ng puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa paghalughog nito sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.

Nagtipon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa KOJC compound sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.

Isang miyembro ng KOJC ang namatay sa operasyon ng pulisya dahil sa atake sa puso.

Giit ni Go, huwag aniyang overkill na may masasaktang ordinaryong mamamayang Pilipino lalo na’t sa loob ng lugar ng sambahan.

Suportado ng senador ang mga uniformed personnel ngunit gawin lamang aniya ang kanilang trabaho nang tama. 

Nakiramay naman si Go sa pamilya ng mga namatay at nasaktan kaninang umaga. Alam niya aniya ang tungkulin ng mga pulis na ipatupad ang batas ngunit importante ang buhay ng bawat Pilipino.