Umamin na si Senador Chiz Escudero na siya ang nagmamay-ari ng sasakyang nahuli dahil sa illegal na paggamit ng EDSA Carousel Bus Lane.
Sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Escudero, inamin ng Senador na inisyu sa kanya ang protocol plate ngunit hindi ito awtorisado dahil ang sasakyan ay gamit ng personal driver ng kanyang kapamilya.
Inabuso rin aniya ang paggamit ng protocol plate No. 7 dahil unang-una ay bawal gumamit ang mga sasakyan na may naturang plaka na dumaan sa itinakdang special lane.
Inatasan naman na ng Senador ang driver na sakay ng SUV na humarap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sagutin ang show-cause order at harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya.
Giit din ng Senador na isasauli na niya sa Land Transportation Office (LTO ang inisyu sa kanya na protocol plates.
Gayunpaman, pinuri naman ng senador ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga batas at aniya suportado niya ang mga pagsusumikap ng gobyerno na pantay na maipatupad sa lahat ang mga batas-trapiko.
Humingin na rin ng paumahin si Escudero sa publiko at sa mga kapwa senador dahil sa nangyari.
Sa huli, siniguro ng Senador na nagagamit nang tama ang inisyu sa kanyang protocol plates alinsunod sa EO 56 series of 2024.