-- Advertisements --

Kinumpirma mismo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ngayong araw, Marso 12, sa isang phone call interview na nasa Pilipinas siya at hindi siya nagtatago. 

Ang pahayag ni dela Rosa, ay matapos na maaresto ng mga otoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant for crimes against humanity ng International Criminal Court.

Ayon kay dela Rosa, busy siya sa pangangampanya at katatapos lang mangampanya sa mga bundok ng Surigao at Agusan. 

Paliwanag ng senador, sadya niyang pinatay ang kanyang telepono dahil busy siya sa pag-aasikaso ng petition for certiorari and prohibition na inihain kamakailan sa Korte Suprema. 

Aniya, siya raw kasi ang inatasan na na mag-asikaso ng legal remedies sa korte dahilan kung bakit hindi rin daw siya nakasama sa Hong Kong.