Nanawagan si Senate Committee on Public Order Chairman Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang pagdami ng bilang ng mga tsinong mag-aaral sa lalawigan ng Cagayan.
Naniniwala ang mambabatas na kailangan ng whole of the nation approach para kaagad na matugunan ang isyu at hindi lamang dapat i-asa sa BI.
Pangunahing isyu kasi aniya na kinasasangkutang umano ng mga chinese student sa Cagayan kabilang na ang kakayahan nitong makakuha ng Philippine passport at birth certificate.
Nagagamit din aniya umano ito para makapasok ang mga nasabing tsino sa mga POGO sa bansa.
Nagdududa rin ang Senador dahil kabilang ang Cagayan sa itinalagang bagong EDCA sites ng Pilipinas at US.
Dahil dito ay ipinag-utos na rin ng senador ang pagtukoy sa dahilan kung bakit sa Cagayan nito napili na bumili ng kanilang mga diploma.
Upang masiguro naman ang security ng bansa ay kinakailangang hindi ipasawalang bahala ang posibilidad na nagsisilbi ang mga ito bilang mga espiya.