Desidido si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ihain muli ang panukalang batas na
naglalayong ipatupad ang death penalty para sa mga high-level drug traffickers sa gitna ng muling pagsibol ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa.
Aminado si dela Rosa na hirap makalusot ang kanyang panukalang batas dahil kontrobersyal ngunit kumbinsido raw siya na sa oras na makalulusot ang bill solusyon ito sa problema na kinahaharap ng bansa.
Binanggit din ng senador ang kamakailangang kidnapping incident ng 14 na taong gulang na Chinese student sa Taguig City kung saan pintulan ng daliri ng salarin.
Binanggit din ng senasor ang kaso sa Cebu kung saan pinatay ng isang lalaki, na nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga, ang kanyang asawa at dalawang anak; at ang mga kaso ng isang tatlong taong gulang at isang 80 taong gulang na parehong ginahasa at pinatay.
Giit ni dela Rosa, hindi matatalo ang kampanya sa iligal na droga sa padisente-disente approach.
Aniya, kinakailangan talaga ng kamay na bakal upang masawa ang mga krimen na ito.
Dagdag ni dela Rosa. hindi na takot ang mga kriminal na mahuli dahil nakakulong naman sila ay hindi rin daw sila takot na magkakaso dahil konbiktado at safe pa sila sa loob ng bilibid.