Iminumungkahi ni Senador Francis Tolentino na kinakailangang makipag-usap ng Department of Foreign Affairs sa ambassador ng China gayundin na pabalikin muna sa Pilipinas ang ating ambassador na nasa Beijing.
Ang suhestiyon ng Senador ay kasunod ng panibagong napaulat na patuloy na paggigipit sa mga mangingisdang Pilipino kabilang ang panibagong insidente ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa resupply boats ng bansa sa Ayungin Shoal noong Nobiyembre 10.
Iginiit din ni Tolentino na napapanahon na para sa Pilipinas na dalhin sa United Nations ang isyu sa West Philippine Sea.
Aniya, ang ganitong karahasan ay isang paraan upang maiparating ng Pilipinas ang pagkondena nito sa ipinapakitang asal ng China sa West Philippine Sea.
Bukod dito, hindi rin kinatigan ng Senador ang mungkahi na ang resupply missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay isasagawa sa pamamagitan ng airdrop dahil ang Pilipinas ay may karapatan sa naturang karagatan.