-- Advertisements --
image 74

Kinatigan ni Senador Ronald Bato Dela Rosa si Vice President Sara Duterte sa naging pahayag ng bise presidente kahapon na ayaw sa kapayapaan ang mga tutol sa confidential and Intelligence Fund ( CIF)

Naunawaan ni Dela Rosa ang pinaghuhugutan ng pahayag ni Duterte dahil aminado ang senador na makakaliwang grupo lamang ang vocal na wag magkaroon ng Confidential funds ang kagawaran ng edukasyon.

Alam naman aniya ng senador at ng makakaliwang grupo na gagamitin ang confidential fund ng DepEd para imonitor ang ginagawang recruitment ng CPP-NPA sa mga estudyante kaya alam ng mga ito na tatamaan sila kapag naibigay ang pondo.

Tahasang tinukoy pa ni Dela Rosa na ang party list na Makabayan Bloc ang sinasabi niyang naka alligned sa CPP-NPA at dahil hindi mismo sa gobyerno at sa kanya nanggaling ito, kundi mismo kay yumaong founder ng CPP-NPA-NDF Joma Sison.

Dagdag pa ng senador huminto na sa pagiging plastic ang Makabayan bloc.