Plano ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary at ngayo’y Senador Mark Villar na maghain ng resolusyon para magkaroon ng pagdinig ang Senado tungkol sa lumalalang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lugar.
Ang pahayag na ito ni Villar ay matapos manalasa ng Bagyong Carina sa National Capital Region at mga karatig na lalawigan.
Balak din kausapin ni Villar ang ahensya kaugnay nang naranasang malawakang pagbaha sa Metro manila at kalapit na mga lugar.
Partikular ang dahilan ng pagbaha sa paligid mismo ng Senado na dati naman ay hindi binabaha.
Nais ring malaman ng mambabatas kung ano ang pwedeng gawin para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
Hindi naman din iniaalis ng senador ang posibilidad na ang reclamation sa Manila Bay ang sanhi ng pagbaha.
Kaya kinakailangan aniya talagang makipag uganayan sa DPWH bilang sila ang eksperto sa baha.