-- Advertisements --
image 196

Nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gamitin ang lahat ng diplomatic channels at resources na mayroon ang Pilipinas upang matiyak ang agad na pagpapalaya sa mga Pinoy seafarer na bihag ng isang Yemeni rebel group.

Hinimok rin ni Hontiveros ang Department of Migrant Workers (DMW) na alalayan ang pamilya ng 17 na Pinoy seafarers na ito at bigyan sila ng kinakailangang tulong habang naghihintay ng rescue updates sa kanilang mga kaanak.

Pinatitiyak ng Senadora sa DMW na magkaroon sila ng regular at transparent na komunikasyon sa mga pamilya ng mga nabihag na Pinoy seafarer at bigyan ang mga ito ng mental, emotional at financial support.

Iginiit ni Hontiveros ang pangangailan na magkaroon ng isang komprehensibo at mas maaayos na polisiya sa pagtugon sa mga banta at panganib na kinakaharap ng mga OFW, lalo na ng mga marino, sa kanilang trabaho. Oras na aniya na maisabatas ang Magna Carta of Seafarers bill.