Mayroong pangangailangan para sa pagtanggal ng intelligence fund at posibleng pagtapyas sa confidential fund ng Office of the President (OP) ayon kay Senate Minority leader Aquilino “koko” Pimentel III.
Ito ay dagil isang civilian agency aniya ang OP na hindi dapat engaged sa intelligence.
Kung tunay aniyang abala ang OP, wala na aniyang oras pa ang manpower o mga kawani nito para sa surveillance work at pangangalap ng intel. Ipaubaya na lamang aniya ito sa mga dalubhasa sa naturang field maliban na lamang kung maraming oras ang mga personnel ng OP para magampanan ito.
Ginawa ng Senador ang naturang pahayag matapos na itanggi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang kumakalat na reports na mayroong confidential fund na P331 million ngayong 2023 ang Senado.
Nakaitityak din ang Senate secretary na walang confidential fund ang Senado para sa 2024 dahil naninindian si Senate President Juan Miguel Zubiri sa paniniwala nito na hindi kailangan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang anumang confidential fund.
Una rito, sa panukalang pondo ng OP para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P10.707 billion, nasa P4.56 billion dito ay sa confidential and intelligence funds (CIF).