Nagbigay-pugay si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa dalawang nasawing opisyal ng Philippine Air Force na namatay matapos bumagsak ang isang FA-50 fighter jet sa Bukidnon nitong nakaraang linggo.
Personal na nagpahayag ng pakikiramay si Dela Rosa sa pamilya nina Major Jude Salang-Oy at First Lieutenant April John Dadulla sa Cagayan de Oro.
“Dumiretso na ako dito. Alam mo na, mga kabaro natin ito at ‘yung isa ay PMAer din na kagaya ko and mistah ng son-in-law ko na Air Force Officer din tapos ‘yung isa, si Teniyente Dadulla ay taga-Bukidnon, so ‘yun na. Makiramay lang tayo. Nakikiramay,” ani dela Rosa.
Samantala, patuloy na isinusulong ng senador ang pagmodernisa sa Armed Forced of the Philippines pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na pondo.
Ang AFP Modernization Program ay kinabibilangan ng aviation-engineering equipment, karagdagang aircraft para sa militar, joint tactical combat vehicles, at radar-basing support system.