Ipinanawagan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga ahensya ng pamahalaan ang agarang pagpapatupad ng work from home policy para sa kanilang mga empleyado.
Ito ay sa kabila pa rin ng matinding init ng panahon na nararanasan sa buong bansa dulot pa rin ng umiiral na El niño.
Inihalintulad pa ng senador ang ipinatupad ng WFH arrangements noong panahon ng pandemya kung saan aniya ay naging epektibo naman ito.
Dahil dito, nakikita ng senador na maaaring ikonsidera ng mga pampubliko at private offices para sa kapakanan ng kanilang mga manggagawa dahil sa mataas na temperatura.
Aniya, maging ang Philippine Health Insurance Corporation ay nag o-offer ng iba’t ibang health package.
Kabilang na rito ang heat stroke, sunstroke at heat exhaustion package at ito ay nagkakahalaga ng aabot sa 6,500 pesos.
Sinabi pa ni Go na wala ng aalalahanin pa ang publiko dahil libre ang check-up sa mga Super Health Centers.
Sa ngayon nga ay nakararanas ng “extreme danger” level na heat index ang ilang lugar sa Pilipinas.