-- Advertisements --
robinhood padilla

Nangako si Senador Robinhood Padilla na tutulong ito sa pagdepensa sa 2024 budget ng Department of Agriculture.

Iginiit ni Padilla na kailangang tulungan ng taga-DA ang bagong kalihim na si Francisco Laurel Jr. sa kanyang pagsisikap na bigyan ang Pilipino ng food security.

Ikinalungkot ng Senador na bagama’t isang agricultural country ang Pilipinas, hindi niya maintindihan kung bakit hindi umuunlad ang sektor ng agrikultura.

Aniya, dapat ginagawang prayoridad ng pamahalaan ang food security.