Maaaring makwestiyon sa Korte Suprema ang impeachment trial kay VP Sara Duterte kung hindi ka agad masimulan ng mataas na kapulungan ng kongreso.
Ito ang naging paniniwala ni Senate Majority Leader Francis Tolentino.
Ayon sa Senador, nakasaad sa Saligang Batas ng bansa na kailangang simulan kaagad ng Senado ang pagdinig sa impeachment trial sa sandaling matanggap nito ang verified impeachment complaint mula sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Aniya, kung madedelay ito ay posibleng mayroong lumapit sa Korte Suprema para humingi ng Declaratory Relief.
Ito ay may kinalaman sa kahulugan ng salitang “forthwith” o agarang aksyon.
Nilinaw ni Sen. Tolentino na kanyang nirerespeto ang anumang desisyon ni Senate President Chiz Escudero hinggil sa proseso ng impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Una nang sinabi ni Escudero na target nilang simulan ang pagdinig ng reklamo laban sa bise pagkatapos ng State of the Nation Address ni PBBM sa buwan ng Hulyo ngayong taon.