Iminungkahi ni Senador Rolbinhood Padilla na magbitiw na lamang sa pwesto si Senate Majority Leader Francis Tolentino bilang Vice President for Luzon at bilang kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Ayon kay Padilla, ito ay upang matutukan niya ang kanyanf mabigat na dagdag na tungkulin bilang Senate Majority Leader.
Iginiit ni Padilla, ang bagong pangulo ng PDP, na buo ang tiwala niya sa kwalipikasyon at karanasan ni Tolentino para maging mahalagang bahagi ng liderato ng Senado.
Sa kasalukuyan, si Tolentino ay vice president for Luzon ng PDP. Si Padilla naman ay nanumpa nitong linggo bilang bagong pangulo ng partido.
Ani Padilla, makatutulong din ang pagbitiw ni Tolentino sa partido upang ipamalas ang pagiging independente ng partido.
Samantala, sa isang pahayag bumwelta naman si Senador Tolentino kung saan sinabi nito na sa panahon na ito ay hindi nararapat na mag-usap patungkol sa politika.
Mainam aniya magtulungan na lamang para mapadali angvrehabilitasyon ng mga Pilipinong apektado ng bagyong Carina.