-- Advertisements --
bato new

Pinag-aaralan ngayon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung tuloy ang pagdaraos ng ikalawang pagdinig ng public order at women Committees sa Socorro, Surigao del Norte kaugnay sa mga isyu ng pagkakaroon ng shabu laboratory, pang-aabuso sa mga kabataan at mga paglabag sa karapatang pantao ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Ayon kay Dela Rosa, target sana nilang magawa ang ikalawang imbestigasyon ngayong linggo pero tinitingnan pa nila ang schedule ng mga budget hearings ng mataas na kapulungan dahil kahit naka-session break ang Kongreso ay tuluy-tuloy pa rin sila sa pagdinig ng pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Inihayag pa ng Senador, bago makapagdesisyon ay kakausapin muna niya ang mga myembro ng komite kung papayag ba na sila ang magpunta sa Sitio Kapihan na pinamumunuan ni Jay Rence Quilario o mas kilala bilang Senior Agila.

Kung maaalala, una nang binanggit ni Dela Rosa na idadaos ang susunod na pagdinig sa umano’y kulto sa mismong lugar nina senyor agila sa surigao del norte.

kaya aniya sa surigao na isasagawa ang naturang pagdinig ay dahil gagastos pa sa pamasahe ang mga lumantad na testigo.

Gayunpaman, hindi naman nangangamba ang Senador sa kanilang seguridad sakaling matuloy sa Socorro ang kanilang pagdinig dahil nariyan naman ang Philippine Army at Philippine National Police na maaaring magbigay seguridad sa kanila sa lugar.

Top