Pinasisiguro ni Senate Committee on Public Services Chairman Grace Poe sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroong sapat na malinis na tubig pagsapit ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Poe, magandang balita para sa consumers na may sapat na paghahanda ang ahensya
Hilng ng Senadora na huwag umabot sa puntong kailangan pang pumila ang ating mga kababayan dahil sa kakapusan ng tubig.
Gayunpaman, patuloy namang isusulong ni Poe ang pagsasabatas sa Department of Water Resources upang ito ang manguna para sa paghahanda sa isang comprehensive and integrated development and management of water resources.
Ang paghahanda ng MWSS at mga Water Concessionaires ay dapat tapatan din ng mga tamang polisiya upang matugunan ang kakulangan ng supply ng malinis na tubig taun-taon.