-- Advertisements --

Bumabalangkas na si Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes chairman Senador Robin Padilla ng resolusyon para hilingin na maghalal ng mga delegado na magiging miyembro ng constitutional convention na mag-aamyenda sa saligang batas.

Inihayag ni Padilla na bagamat magastos, ito ang nakikita nyang solusyon para tuluyan nang umusad ang Pilipinas sa kahirapan.

Wala pa aniyang katiyakan na makalulusot ang panukalang pagbabago sa economic provisions na nakabinbin pa ngayon sa sub-committee on constitutional amendments ng Senado.

Sabi ng Senador ititigil nya lang ang pagbusisi sa concon kung maipapasa na ang amyenda sa economic provisions at malagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand “bongbong” Marcos Jr.