Umaasa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na sa pagbisita sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay magkakaroon ng mahalagang papel ang Japan sa pagtulong sa pagprotekta ng bansa sa ating territorial integrity.
Sinabi ni Legarda na inaasahan niyang mapapalakas pa ang security cooperation ng Pilipinas at Japan sa sandaling maisulong na ang ipinapanukalang reciprocal access agreement.
Ipinaliwanag ng Senador na sa pamamagitan ng kasunduan, mapaiigting ang training at upskilling ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng kooperasyon sa Japanese Self-Defense Forces.
Ipinaalala ng Senadora na ang Japan ang nangungunang bilateral Official Development Assistance partner ng Pilipinas kaya’t umaasa siyang lalo pang mapapalakas ang pagtutulungan para sa infrastructure development, disaster risk mitigation, food security, education, health, maritime safety, gayundin sa pagsusulong ng peace and development.
Nagpasalamat naman si Legarda sa Japan sa walang sawang suporta sa Pilipinas.