-- Advertisements --

Umapela si Senate Majority Leader Francis Tolentino na paghusayin at itaas ang bilang ng mga flights sa Tawi-Tawi. 

Ayon kay Tolentino, marami sa mga kababayan natin at turista ang interesado at gustong bisitahin ang probinsya.

Kinatigan din ni  Tolentino ang pagpapalakas ng turismo sa naturang probinsya. 

Dahil dito, nangako si Tolentino na kikilos sa Senado para suportahan ang mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mahimok ang mga turista na pasyalan ang Tawi-Tawi. 

Hinimok din ng mambabatas ang publiko na ikunsidera bilang susunod na vacation destination ang lugar lalo’t napakaganda at maikukumpara sa Boracay Island ang karagatan ng Tawi-Tawi.