-- Advertisements --

Inihayag ni Senadora Nancy na 70 percent na siyang desidido na tumakbo para sa pagka-alkalde sa Lungsod ng Makati sa nalalapit na 2025 elections.

Ayon kay Binay, naghihintay pa siya ng senyales kaya’t hindi pa niya masabing 100% ready.

Sa ngayon, ayon sa senadora ay gusto niyang makausap ang kanyang kapatid na si incumbent Makati Mayor Abby Binay at ang asawa nitong si Makati 2nd District Representative Luis Campos.

Matunog na si Campos ang tatakbong susunod na alkalde ng lungsod sa 2025.

Aminado si Senadora Binay na hindi maganda na magkakabangga silang pamilya sa halalan sa Makati na sinimulan ng kanyang amang si Jejomar Binay.

Subalit anuman ang maging desisyon nakahanda na aniya ang kampo ng senadora para sa nalalapit na halalan.