Inamin ni Senadora Imee Marcos na matagal na silang hindi nag-uusap ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Imee, may pagkakataon lamang silang magkapatid na makapag-usap sa mga public gatherings.
Ngunit pagsisiwalat nito na may mga tao umano na nakapaligid sa pangulo ang humaharang upang hindi sila ay makapag-usap.
Nilinaw din ng senadora na wala siyang sama ng loob kay Pangulong Marcos matapos na hindi nito banggitin ang kanyang pangalan sa isang Alyansa rally sa Cavite.
Ayon kay Marcos, walang problema sa kanya ang bagay na iyon dahil nakatuon aniya siya sa pag-imbestiga kung papaano maibabalik si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas mula sa The Hague sa Netherlands.
Dapat aniyang iprayoridad ang pagdepensa sa soberanya ng bansa sa halip na pagtuunan ang politika at pangangampanya.