Nagkasundo na umano ang mga lider ng Kamara at Senado na iwasan na muna ang patutsadahan ng mga mambabatas ukol sa isyu ng pork barrel sa 2020 national budget.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nagkasundo na sila ng kaniyang counterpart sa lower House na si Leyte Rep. Martin Romualdez na itigil ang word war sa pagitan ng mga miyembro ng dalawang kapulungan.
Matatandaang naging mabigat ang palitan ng alegasyon nina Sen. Panfilo Lacson at Capiz Rep. Fredenil Castro.
Ayon kasi kay Lacson, may bilyon-bilyong pork barrel sa House version ng pambansang pondo.
Pero giit ni Castro, hindi nagsasabi ng totoo si Lacson kaya dapat itong humingi ng tawag.
Subalit nagmatigas lamang ang senador at iginiit na mayroon siyang mga basehan para sabihin ito.
Maliban kay Castro, umalma rin sa isyu ng pork sina Rep. Mike Defensor, Rep. Eddie Villanueva at marami pang iba.
Para kina Zubiri at Romualdez, dapat mahinto ang pasaringan para hindi maapektuhan ang kanilang mga trabaho bilang mambabatas.