Malugod na tinanggap ng pamunuan ng Department of Defense ang pagkakapasa ng Senado sa senate bill 2376.
Ang hakbang ay magbibigay ng “fixed term” sa mga senior officials ng AFP.
Sa isang statement nagpasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Senado na bumoto ng “unanimously” para aprubahan ang panukala.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang panukala upang mawakasan na ang “revolving door policy” sa Liderato ng militar, o ang mabilis na pagpapalit ng mga pinuno ng AFP na inabutan na ng pagreretiro sa serbisyo makalipas lang ang ilang buwang panunungkulan.
Sinabi ng kalihim na naniniwala siya na ang panukala ay magreresulta sa continuity, stability, at accountability sa AFP; at titiyak na ang mga pinaka-magagaling na tauhan ng militar ang maluluklok sa liderato ng AFP.