-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng isang mambabatas ang panukalang batas na naggagawad sa Pangulo ng kapangyarihan na suspendihin ang umento sa contributions sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kapag idineklara ang state of national emergency o state of national calamity sa bansa.

Sa ilalim ng Senate bill na inihain ni Senator Grace Poe, ang Pangulo ng bansa sa ilalim ng rekomendasyon ng Philhealth board matapos ang konsultayon sa mga stakeholders ay mabibigyan ng kapangyarihan na isuspendi ang umento sa premium contributions sakaling magkaroon ng state of ational emergecy o public health emergency o state of national calamity.

Aamyendahan ng panukalang batas na ito ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act kung saan nakasaad na maaaring magpatupad ng pagtaas ng Philhealth contribution sakaling maideklara ang state of national emergency.

Iginiit ng Senador na sa ngayon ay kailangan na mapakinggan ang mga hinaing ng ating mga kababayan para sa kanilang pangangailangan para mapakain ang kanilang pamilya at sa trabaho para maibsan ang kanilang mga pasanin at magkaroon ng suporta mula sa gobyerno.

Hinimok din ng Sneadora ang Kongreso na iprayoridad ang deliberasyon ng naturang panukala kasunod na rin ng nakatakdang pagpapatupad ng premium hike sa contributions.

Nauna ng nag-abiso ang Philhelath na ang buwanang premium contribution ay magtataas ng 4% para ngayong taon salig sa UHC law.