Isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas na awtomatikong magpapahintulot sa long weekends kapag nataon ang holiday sa araw ng Sabado o Linggo.
Ito ang Senate Bill 1651 na mag-aamyenda sa Republic Act No.9492 o ang Act Rationalizing the Celebration of National Holidays na akda ni Senator Raffy Tulfo.
Sa ilalim din ng nasabing batas, kapag nataon ang holiday sa weekend inirerekomenda na ideklara ng Pangulo ang unang araw ng Lunes ng Disyembre kasunod ng holiday bilang non-working days para sa kasunod na taon.
Nakasaad sa naturang Senate bill na makakatulong ito para mapalakas ang domestic tourism sa bansa.
Ang pagdaragdag sa bilang ng long weekends ay makakatulong din para mabawasan ang stress at maitaguyod ang work-life balance pareho sa mga empleyado at mga estudyante sa pamamagitan ng paggugol ng kanilang oras para makasama ang kanilang pamilya at kaibigan.