Inirekomenda ng Senate blue reibbon committee ang pagsampa ng kaso laban kay Pangulong Rodrig Duterte kapag ito ay tuluyan ng bumaba sa puwesto.
Ang nasabing rekomendasyon ay nakasaad sa 113-pahina na ulat ni Senator Richard Gordon na siyang nanguna sa imbestigasyon ng transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp.
Dagdag pa ng senador na siya ring chairman ng committee na kinikilala pa rin nito ang pagkakaroon ng immunity ng pangulo habang ito ay nakaupo pa sa puwesto.
Subalit sinabi ng pangulo na kapag tuluyan ng bumaba ito sa puwesto ay nararapat na ito ay sampahan na ng kaso.
Dagdag pa nito na alam ng pangulo ang kaniyang pananagutan dahil siya ang nagtalaga sa mga ito sa puwesto.
Inakusahan din ng panel ang pangulo ng betrayal of public trust dahi sa pagbabanta sa mga senators at pagpigil sa mga opisyal na gobyerno sa pagdalo sa mga pagdinig na isinasagawa ng senado.
Ang pagtalaga umano ng pangulo kay Michael Yang na isang dayuhan na nag-finance ng Pharmally contratcts ay isa umanong paglabag.
Magugunitang si Yang na itinalagang economic adviser ng gobyerno ay itinanggi ang mga akusasyon sa kaniya.
Kasama rin si Yang na inirekomenda ng Senate blue ribbon na sampahan ng kaukulang kaso sa pagkakasangkot sa maanomalyang kontrata ng Pharmally sa gobyerno sa pagbili ng mga medical equipment noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.