ILOILO CITY – Umaasa ang Senate blue ribbon committee na magiging susi sa kanilang imbestigasyon sa “overpriced” COVID-19 items ang magiging pahayag ni dating PS-DBM Chief Accountant Allan Raul Catalan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, sinabi nito na sa kanilang Senate hearing, inamin mismo ni former DBM-Procurement Service Inspection Division officer in charge Jorge Mendoza na si Catalan ang nag-utos sa kanila na pirmahan ang mga inspection documents kahit na hindi pa dumating ang delivery mula China.
Ayon kay Pangilinan, mismo si Mendoza ang naglinaw na hindi si PS-DBM former chief Christopher Lao ang nag-utos sa kanila na pirmahan ang dokumento.
Dahil dito, napagkasunduan ng mga senador na ipatawag si Catalan sa susunod na hearing.