-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Magandang pagkakataon ang gagawing pagdinig ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman Ronald ‘Bato’ de la Rosa ngayong araw kaugnay sa pagpatay kay late Negros Oriental Governor Roel Degamo na kumitil din sa buhay ng walong mga sibilyan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni dating New People’s Army o NPA leader at ngayo’y consultant na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na si Eric Almendras, na mas kilala sa makaliwang grupo na si Ka Eric Celis, na ang pagdinig ay syang magbubukas sa katotohanan kaugnay sa paggamit umano ng pamilya Teves lalo na ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. ng political terrorism ug political warlordism sa nasabing lalawigan.

Alam umano niya ito dahil sa datus ng mga biktima ng nasabing modus base na rin sa imbestigasyon ng task force sa mga political rivals ng pamilya Teves lalo na ang pamilya Degamo.