-- Advertisements --
Itinuloy pa rin ng Senate committee on public services ang hearing ukol sa mga usaping nakapaloob sa ABS-CBN, sa kabila ng pagkontra ng ilang opisyal ng House of Representatives.
Ayon kay Sen. Grace Poe, hindi ang mismong franchise ng media network ang kanilang hinihimay.
Agad naman itong sinang-ayunan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at iba pang mga senador dahil malinaw na ang kaniyang komite pa rin ang didinig ng franchise bills.
Wala rin daw silang nakikitang paglabag sa batas kahit may pending quo warranto petition sa Korte Suprema.
Giit ng mga senador, ang mga nalabag sa batas ng media company ang inaalam dito at kung paano maiiwasan sa iba pang pagkakataon.