-- Advertisements --

CEBU CITY – Dapat na umanong pahintuin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa sinasabing “overpricing” sa personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical supplies na binili ng gobyerno sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon kung hindi naman ito pupunta sa korte.

Ito ang paniniwala ni Dr. Clarita Carlos, propesor ng political science sa University of the Philippines (UP) at idiniiin nito na kung may sapat nang ebidensya ang mga senador laban sa nasabing katiwalian ay ‘wag nang ipagpatuloy ang imbestigasyon at magsampa na ng kaso sa korte.

Sa kanyang pananaw ay parang hindi na ito aabot sa korte ang ginagawang imbestigasyon ng Senado.

Habang kung “in aid of legislation” ang gagamitin ng mga senador sa pag-imbestiga sa isyu ay hindi na rin ito maaari nang gawin kung hindi naman gagawa ng bagong batas.

Kung kaya’t hindi rin ito kumbinsido na “in aid of election” o paninira sa kasalukuyang administrasyon para sa susunod na eleksyon ang ginagawa ng mga senador dahil para kay Dr. Carlos ay malayo pa ang eleksyon.

Aypn pa sa kanya tanging korte lamang ang dapat na magsagawa ng imbestigasyon at ang magsasabi rin kung sino ang may sala.