-- Advertisements --
Haharap na ngayong araw sa Senado (10:00am) ang isang opisyal mula sa Bilibid na inaasahang magpapatibay sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) for sale.
Ayon kay Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon, dalawa ang bagong testigo na sasalangan ngayon, habang babalik naman ang naunang witness na si Yolanda Camelon.
Hangad naman ng BuCor officials na nakaladkad ni Camelon sa testimonya na mabigyan din sila ng tyansang makapagbigay ng panig nang hindi hinaharang ng mga senador.
Sinabi naman sa Bombo Radyo ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tatapusin na ngayong araw ang hearing.
Agad ring babalangkasin ang committee report para makapagrekomenda sila ng ilang pagbabago sa GCTA Law.