Itutuloy pa rin ng mga senador ang kanilang pagdinig sa isyu ng pagtugon ng Department of Health (DoH) sa malaking problemang hatid ng COVID-19, kapag natapos na ang lockdown.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, may proseso ang mataas na kapulungan ng Kongreso, kung saan kapag may naihaing resolusyon ukol sa partikular na isyu, maaari itong isalang sa Senate inquiry.
Ginagawa aniya ito para makalikha ng solusyon sa mga natuklasang problema at makapagpaliwanag ang mga opisyal na nagkaroon ng pagkukulang.
“…We have our Senate rules to follow. After referral, Senate Resolution 362 will trigger an inquiry by the appropriate committee/s, or a Committee of the Whole, whatever will be agreed upon by the majority members of the Senate. That is the proper forum where he, along with other resource persons to be invited, can shed light on the issues contained in Senate Resolution 362. It is our hope that at the end of the day, the public will be enlightened after witnessing for themselves the open discussion of the issues at hand,” wika ni Lacson.
Matatandaan na mismong si Health Sec. Francisco Duque III na ang umamin na may mga pagkukulang talaga sila sa pagtugon sa problema dahil sa COVID-19.
Nangako rin ang kalihim na gagawa sila ng mga kinakailangang aksyon para sa mga naglalabasang suliranin, kasama na ang para sa kapakanan ng mga health workers na tinatamaan ng sakit habang ginagampanan ang tungkulin.
Para kay Lacson at sa iba pang senador, hihintayin nila ang mga pangako ng DoH.
“We trust DOH Secretary Francisco Duque III, after his admission of shortcomings, will quickly follow up with proactive and positive actions to address the issues and concerns raised by his own people at the DOH, as well as government and private physicians and health workers, against his leadership. It is they who have brought most of these concerns to the attention of the senators who signed the resolution calling for his resignation. For a start, his display of humility should begin in his own department and field offices. After all, actions speak much louder and clearer than words,” dagdag pa ni Lacson.