Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na hindi dapat malagay sa alanganin ang isyu ng Senate leadership dahil lamang sa hindi pa plantsadong mga komite.
Ito ang sinabi ni Lacson, kasunod ng argumento ng ilang senador na hindi pa sila makapagbigay ng suporta kay Senate President Tito Sotto, kung hindi maibibigay ang nais nilang chairmanship.
“The SP does not determine the chairmanships of the committees. It is determined by the majority. Kung sino iboboto ng majority na mag-chair ng mga committees, yan ang nasusunod. Not the SP. Mali ang isisisi mo si SP kung hindi mo makuha ang chairmanship ng committee na gusto mo,” wika ni Lacson.
Matatandaang hindi pa lumagda sa manifest of support para kay Sotto ang hanay ng oposisyon at Nacionalista Party (NP) na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar.
Pero paliwanag ni Villar, bilang pinuno ng NP, dapat kumakatawan ang kaniyang lagda sa sentimiyento ng mga kasamahan sa partido kaya hindi dapat maging padalos dalos sa anumang manifesto.