-- Advertisements --
frank drilon 1.

ILOILO CITY – Nag-file ng joint resolution si Senate Minority Leader Franklin Drilon na naglalayong palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang Disyembre 2022.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senator Drilon, sinabi nito na tinatayang nasa 11,000 na mga empleyado at talent ang mawawalan ng trabaho kung sakaling hindi makapag-renew ng prangkisa at magsara ang network.

Ayon kay Drilon, pwedeng humingi ng temporary permit ang ABS-CBN sa National Telecommunications Commission subalit hindi lang niya sigurado kung pagbibigyan ng naturang ahensya ang nasabing broadcast network sapagkat ang NTC ay parte ng executive branch sa ilalim ng supervision ni President Rodrigo Duterte.

Una nang nag-file na ng qou warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema upang maipatigil ang operasyon ng ABS-CBN dahil mag-e-expire na ang prangkisa ng korporasyon sa Marso 30.