Pinawi ni Senator Alan Peter Cayetano ang pangamba kaugnay sa pagtatatag ng nuclear power plant sa bansa.
Nilinaw ng Senador na ang kaniyang panukalang batas hinggil sa nuclear regulation ay layuning matiyak ang ligtas na paggamit ng radioactive materials.
Sa isinagawang public hearing sa Senate Bill No. 1194 o ang Comprehensive Atomic Regulation at Senate Bill No. 1491 o ang PH Nuclear Regulation Act na isinagawa ng Committee on Science and technology, tiniyak sa publiko ni Sen. Cayetano na siyang panel chair na hindi intensiyon ng panukalang PH Nuclear Regulation Act na magtayo ng nuclear power plant subalit para lumikha ng institusyon na magreregulate sa lahat ng existing radioactive material usage sa bansa.
Ito ay upang maprotektahan ang puliko mula sa hindi ligtas na paggamit ng radioactive materials.
Inihalimbawa ito ng Senador sa paglikha ng isang Bureau od Fire na siyang magbababala, maginspeksiyon at pipigilan mangyari ang anumang sakuna.
Samantala, matatandaan na ang counterpart measure nito sa mababang kapulungan ng Kongreso na House Bill No. 9293 o ang PH National Nuclear Energy Safety Act ay lusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong Nobiyembre 22 na layuning magkaroon ng legal framework para sa ligtas na paggamit ng nuclear energy sa bansa.