-- Advertisements --
senate hearing

Patuloy na raw ang pagbusisi ng Joint Senate committees na pinangungunahan ng Trade, Commerce at Entrepreneurship kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno at private sector sa ilang measures para sa pagpapaganda ng capabilities, processes at magandang kalidad ng goods na naipo-produce ng Philippine enterprises.

Kabilang sa mga ito ang diskusyon sa Senate Bill (SBN) 90 o ang Exports and Investments Development Act (EIDA); 97, 536, 538, 782, 1041 at 1441 o ang Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship Act o PRESENT; 319 o ang Domestic Bidders Preference Act; 628 at 793 o ang National Quality Infrastructure Development Act; 761 o ang Institutionalization of the Shared Service Facilities (SSF) program ng Department of Trade and Industry (DTI); 1127 o ang Philippine Accreditation Act at 1868 o ang Protected Geographical Indications Act.

Ang naturang mga isyu ay hawak ni Senator Sonny Angara na siyang chair ng subcommittee at in-charge sa mga measures.

Sinabi ni Angara na ang naturang mga panukalang batas ay bahagi ng kanyang “Tatak Pinoy” advocacy at sigurado umanong magpapaganda sa capabilities at standards ng local industries.

Aniya, sa pamamagitan ng naturang mga bill at sa pagsisikat maging ng suporta ng mga local industries, pagpapalakas sa ating exports, paggawa ng mga trabaho ay mas gaganda pa ang ating ekonimoya.

Ipinaliwanag ng senador na ang Senate Bill (SBN) 90 ay layong maamiyendahan ang Exports and Investments Development Act (EIDA) para mapalakas pa ang exports ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghimok na magkaroon ng mas sophisticated at diversified products production.

Habang ang Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship Act naman ay layong mapaganda ang development ng social enterprises sa bansa bilang tulong sa mga komunidad at mabawasan ang kahirapan.

Samantala, ang SBN 319 o Domestic Bidders Preference Act ay siyang magiging daan para ma-institutionalize ang Certificate of Domestic Bidders program ng Department of Trade and Industry.

Layon naman nitong matulungan ang local enterprises partikular ang pag-produce ng mga goods na pinalalaki sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng government procurement activities.

Sa pamamagitan naman ng SBN 761 o Institutionalization of the Shared Service Facilities ang program ng Department of Trade and Industry na Shared Service Facilities program ay siyang mag-i-institutionalize at sisiguro sa pondo para ma-establish ang mas maraming pasilidad na magagamit para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Samantala, ang SBNs 628 at 793 o National Quality Infrastructure Development Act ay layong mag-develop ng national quality policy na makatutulong sa Philippine enterprises sa pagpapaganda sa capabilities at pag-produce ng goods na target maabot ang standards ng international markets.

Ang panukalang Philippine Accreditation Act ay magtatatag ng national accreditation system sa pamamagitan ng pagbuo ng Philippine Accreditation Authority para mapaganda ang competitiveness at export potential ng locally-manufactured products.

Ang SBN 1868 o Protected Geographical Indications Act naman ay para sa safeguard ng local producers’ superior quality ng manufacturing at craftsmanship at para maprotektahan ang consumers mula sa disingenuous at substandard products na nagmumukhang genuine.