Pinaburan ng mga senador ang hiling ng Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao hanggang sa December 31, 2018.
Sa ginanap na hiwalay na botohan sa joint session ng Kongreso, 14 na mga senador ang bomoto ng yes, apat naman ang tumutol at walang abstention.
Bago ito sa December 31, 2017 na sana ang pagtatapos ng Martial Law sa Mindanao na ipinatupad kasunod nang pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City noong Mayo 23, 2017.
Kabilang naman sa mga dumipensa sa posisyon ng Pangulong Duterte na humarap sa mga mambabatas sa Kamara ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, PNP Chief Ronald dela Rosa, AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero, dating AFP chief at retired Gen. Eduardo Ano na ngayon ay undersecretary ng DILG at si National Security Adviser Hermogenes Esperon.