-- Advertisements --

Pinawi ni Senate President Chiz Escudero ang pangamba ng marami ukol sa blankong bahagi ng bicameral conference committee report ng 2025 national spending plan.

Ayon kay Escudero na hindi dapat matakot o mangamba ang lahat sa nasabing committee report.

Tanggap din nito ang anumang petisyon na kumukuwestyon sa mga batas na ipinapasa ng kongreso.

Tinutukoy dito ni Escudero ang inihain na petisyon sa Korte Suprema nina Davao Representative Isidro Ungab at dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Dagdag pa ng Senate President na ang nasabing pagkuwestiyon ay bahagi ng demokrasya na nagpapatunay na mayroong malakas at matatag na demokrasya ang bansa ukol sa anumang uri ng batas na ipinapasa.