Ikinalungkot ni Senate President Tito Sotto ang pagpanaw ni dating Senate president Nene Pimentel kaninang madaling araw.
Sa mensahe na ipinadala ni Sotto sinabi nito na siya at ang kaniyang pamilya ay nalungkot sa balitang pumanaw na ang itinuturing nilang malapit na kamag-anak at hindi lamang isang kaibigan.
Sinabi ni Sotto nuong panahong si Nene Pimentel ang Senate president siya naman ang majority leader nuon kaya naging magkalapit sila.
Idol ang turing ni Sotto sa yumaong mambabatas.
” My family and I bereave this very sad news. I feel like I lost a close relative and not just a friend. I was his majority leader when he was Senate President and we were very close. He was my idol,” mensahe ni Senate President Tito Sotto.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Sen. Kiko Pangilinan sa pamilya ni Sen. Nene Pimentel sa kaniyang pagyao.
” Sa ngayan ng aking pamilya sa pakikibaka, nagpapasalamat ako sa ibinihagi niyang buhay para sa karapatang pantao, kalayaan at demokrasya noong panahon ng diktadura. Salamat!, ” mensahe ni Sen. Pangilinan.
Si Pimentel ay pumanaw sa edad na 85-anyos.