-- Advertisements --

Senate President Migz Zubiri, namahagi ng tulong sa Mindanao, Climate Change isa sa mga tinumbok na dahilan sa mga narar
Unread post by star.cotabato » Fri Nov 04, 2022 5:26 pm

Senate President Migz Zubiri, namahagi ng tulong sa Mindanao, Climate Change isa sa mga tinumbok na dahilan sa mga nararanasang kalamidad sa bansa

Cotabato City- Personal na inikot at namahagi ng tulong na saku-sakong bigas si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri kahapon sa kabuuan ng Mindanao sa lungsod ng Zamboanga, Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Siyudad ng Cotabato at sa Sultan Kudarat sa lalawigan ng Maguindanao na tinanggap ng mga alkalde ng mga nabanggit na lugar.

Ito ay upang maibsan ang malaking problema sa pangangailangan ng tulong sa mga nabanggit na bayan.
Aminado si Zubiri na marami pa ang tatrabahuhin ang pamahalaan sa mga nasabing bayan at lalawigan upang makabangon sa mga naranasang hagupit ng mga kalamidad.

Ani Zubiri, ito na ang epekto ng Climate Change na taon taon ay nararanasan ng ating mga kababayan na paulit ulit na prinoproblema ng bansa.

Aniya, di ito kakayanin ng iisang gobyerno lamang bagkus dapat ay magtulungan at hindi na dapat maghanapan pa ng sisi para makabangon nang tuluyan.

Dagdag pa ni Zubiri, dapat maging handa na taon taon ang bawat lugar sa mga hagupit ng kalamidad na maari pang dumating at wag nang maging kampante na di sila tatamaan nito.