Napirmahan na ni Senate President Vicente Sotto III ang 2022 national budget.
Sinabi nito na ang nasabing pagpirma ay mas maaga sa itinakdang Disyembre 28.
Kaniyang ipapadala sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing 2022 proposed national budget para kaniya na itong mapirmahan.
Kabilang sa nasabing budget ang paglalaang ng P188.3 bilyon para sa mga Department of Health at mahigit P700 bilyon na pondo para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mayroong mahigit P25-B ang inilaan para sa social pension ng mga senior citizens habang P39.865-B ang inilaan na tulong sa Individuals in Crisis Situations sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi naman ni Senate committee on finance chairman Sonny Angara kaya nila minadali pagpasa ng national budget 2022 ay para may makuhang pondo para makatulong sa mga biktima ng bagyong Odette.