-- Advertisements --

CEBU CITY – Posibleng maging “game changer” umano ang isinagawang Senate probe hearing kaugnay sa drug recycling scandal.

Ito ang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa neksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu.

Ayon kay Gordon, nakikita niyang mayrong pagbabago na mangyayari kung anuman ang maging resulta ng hearing.

Inaasahan rin ni Gordon na mayroon pang mabubulgar na impormasyon kaugnay sa mga ninja cops at posible umanong mayroon pang ibang heneral o dating heneral ang may kinalaman sa naturang kontrobersiya.

Tiniyak naman ni Gordon na seryoso ang kanilang imbestigasyon at ilalabas nila ang katotohanan

Samantala, nagbigay naman ng kanyang pahayag si Atty. Clarence Paul Oaminal, dating undersecretary ng Dangerous Drugs Board tungkol sa naturang usapin.

Sinabi nitong mas mabuti pang bumaba na sa pwesto si PNP Chief Oscar Albayalde at Philippine Drug Enforcement Agency Dir. Gen. Aaron Aquino.

Aniya, tila hindi na raw nagkakasundo ang dalawang high rangking official.

Marami na rin umanong palpak si Aquino at hindi rin umano dapat tinatakpan ni Albayalde ang kanyang tauhan lalo na’t may pagkakamali ang mga ito.