-- Advertisements --

Pinayuhan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na dumistansya na sa kaniyang mga dating tauhan na iniimbestigahan kaugnay sa isyu ng drug recycling.

Naniniwala si Sotto na hindi mawawala sa kontrobersiya ang PNP chief hangga’t wala itong nagiging hakbang laban sa mga pulis na nagkasala.

Ngayong araw, ipagpapatuloy ang Senate hearing ukol sa “ninja cops” at good conduct time allowance (GCTA) for sale.

Ito na ang ika-siyam na pagdinig ng Senado ukol sa mga isyung ito, bilang tugon sa siyam na panukalang inihain sa mataas na kapulungan ng Kongreso.