Walang nakikitang problema si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng mga katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor) kahit matapos na report ukol sa good conduct time allowance (GCTA) for sale.
Ayon kay Sotto, joint committee hearing ang idinaraos, kasama ang blue ribbon at iba pang komite.
Kaya naman, maaaring magdagdag ng isyu sa imbestigasyon kapag nakitaan iyon ng pangangailangan.
Samantala, sinabi naman sa Bombo Radyo ni Sen. Bong Go na maaaring may iba pang testigong lulutang sa araw ng Huwebes.
Nitong nakaraang linggo, si dating Valencia, Bukidnon Mayor Jose Galario at anak nito ang isinalang ni Go bilang resorce person sa hearing.
Para naman kay Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon, halos kompleto na ang report at agad niya itong ipi-presenta sa komite kapal naisapinal.
“We hope we could already have a partial report this week that we could report out to the committee,” wika ni Gordon.